Linggo, Marso 18, 2012

Local Autonomous Network statement in solidarity with vendors in Luneta Park threatened by eviction

Depensahan ang Kabuhayan – Karapatan Ipaglaban!

Ang bantang pagpapaalis ng administrasyon ng Luneta sa mga myembro ng RIZAL PARK VENDORS CONSUMERS COOPERATIVE – ang kooperatiba ng maliliit na manininda sa nasabing parke ay isang mapanggipit na polisiya. Ito ay lantarang pagpapakita ng pamahalaan sa pagsuporta sa malalaking mamumuhunan kapalit ng pagpatay sa munting kabuhayan ng mga komunidad.
  
Kung ating maalala, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, may 20.5 porsyento o 4.1 milyong pamilya na itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap.

Sa  pambansang antas, ang bilang ng mga nakakaranas ng moderate na kagutuman ay  tumaas ng 15.7 porsyento, ito ay nasa 3.2 milyong pamilya; habang ang talamak na kagutuman ay madalas na nararanasan ng  mga pamilya ay tumaas din 4.7 porsyento na may bilang na 950,000 na pamilya.

Ang  lumalalang krisis sa ekonomya ng bansa na nagreresulta ng pagkawala ng trabaho ng malawak na bilang ng populasyon ay higit pang naglalagay sa miserableng sitwasyon ng maraming komunidad. Kung may dapat mang protektahan ang anumang sangay ng pamahalaan yun ay ang maliliit na sektor; subalit sa halip na protektahan ang kabuhayan ng maliliit ay ginagawa pa silang sakripisyo sa ngalan ng kaunlaran; kagaya nga ng kaso ng mga lehitimong  nagtitinda sa Luneta na sapilitang pinapaalis upang bigyang  puwang ang higit na malalaking negosyante.

Ang sentralisasyon ng pampulitikang kapangyarihan sa kamay ng iilan ay isang epektibong sangkap upang tuluyang pasunurin ang mga tao sa sistema at polisya ng pamahalaan at mga korporasyon na siyang dahilan ng MALAWAKANG KAHIRAPAN,  KAGUTUMAN, PAGKASIRA NG KALIKASAN, KAWALAN NG PANLIPUNANG HUSTISYA at PANGMAMALIIT SA KABABAIHAN.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento